Ang Paggamit Ng Teknolohiya Sa Paraan Ng Pagkonsumo

 

Ang teoryang “the consumer society and the new means of consumption” ay galing sa impluwensiya ni Baudrillard, Marx at Weber. Ito ay nakatuon sa settings in which we consume. Ang pagtaas ng pagkonsumo na makacharacterized na hyperconsumption.

Para kay Ritzer, ang means of production ay ang mga bagay na kinakailangan para makabuo ng produksyon (hal. tools, makina, hilaw na materyales at mga pabrika o pagawaan), at ang means of consumption naman ay ang mga produktong kinokunsumo natin at kung saan ito mabibili. Tinalakay niya kung papaano naiba ang settings ng consumption. Sa panahon noon ang means of consumption ay ang mga taverns, cafes and diners, kung saan ay mayroong face-to-face interaction ang employee at customers, tapos yung mga bayarin ay binabayaran ng pera, sa loob din nun mararamdaman mo yung parang nasa isang komunidad kayo tulad ng sa mga napapanood natin sa palabas na yung mga customers and employees ay talaga namang nag-uusap.

Isang sa key concept nito ay ang phantasmagoria and dream worlds. Pinag-aralan ni Walter Benjamin ang older means of consumptions na kung saan mayroong isang street at ang mga tao ay malayang mag-ikot-ikot at magwindow shopping, arcade ang tawag nila dito. Nakita ni Benjamin ang arcade bilang the original temple of consumption, dito dahi sa pisikal na itsura at makatotohanang materyales na ginamit sa lugar, nagdudulot ito ng pakiramdam na tinawag niyang phantasmagoria. Tulad ni Benjamin, ganito din ang nakikita ni Rosalind Williams sa earlier means of consumption naman, na kung saan ay nagiging imaginative yung lugar at nandun din yung mga goods na ibinibenta ng mga kapitalista. Dahil sa pagiging imaginative nung lugar, nagmistula itong dream world para sa mga consumers. Napansin ni Williams na naglalagay ng mga dekorasyon sa tindahan ang mga may-ari para magmukha itong appealing sa paningin ng mga consumers at mahikayat sila na pumasok at bumili dito.

Tinawag ni Ritzer ang new means of consumption bilang lugar na may nakakaattract na view and sites. Sa pagdaan ng panahon, mas nagiging maganda ang mga ito para maaliw ang mga tao at mahikayat sila na bumili ng napakarami o hyperconsumption. Naging successful ang ganitong strategy sa proseso ng creative destruction ayon naman kay Joseph Schumpeter, kung saan ay pinapalitan ng mga new means of consumption ang old means of consumption. Ngunit sa pagdaan ng panahon, nagsulputan naman ang mga home shopping, malls at kung ano pang dematerialized means of consumption, na nagiging threat sa new means of consumption. Siyempre mas pipiliin ng tao ang kung saan siya mas mapapadali, isa yun sa advantages ng dematerialized means of consumption, sinasabi ding mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng ang phantasmagoria and dream worlds sa ganitong means of consumption.

            Sa implosion, ipaghahambing ng tao ang mall sa cyberspace at titignan kung saan siyamas mapapadali. At sa pagusbong nga ng teknolohiya mas nagiging madali ang lahat ng bagay para sa tao. Natatalo nito ang mga malls kasi sa isang click mo lang makakabili ka na ng gusto mo ‘di tulad sa mga malls na kailangan mo pang maghanap at maglakad, mas nakakapagod iyon. Tulad ng kay Baudrillard, tungkol sa usapin niya sa simulation, sa panahon ngayon sa tulong ng internet at cybersites mas nagagawa nitong simulation ang lahat ng bagay dahil sa mas malawak dito at hindi limitado, ‘di tulad sa pisikal na istraktura na limitado ang sakop.

Sa madaling salita, mas pinipili na ng tao ang paggamit ng internet sa kanilang paraan ng pagkokonsumo kaysa pumunta at personal na makita ang bagay na bibilhin. Dahil sa teknolohiya,nagiging tamad na ang mga tao at napapadalas na ang pagasa nila dito. Nalilimitahan narin ang kanilang karanasan dahil puro imahinasyon na lang ang kanilang pinaiiral.

 

 

 

Ang Pagkontrol Sa Ating Kaisipan At Pamumuhay

Ang mga tao ay naniniwala sa mga bagay na kanilang nakikita, mabilis na maimpluwensyahan ang pag-iisip, at dahil dito hindi natin napapansin na tayo ay nakokontrol na ng mga kapitalista, mula sa mga bagay na ating ginagawa, sa mga desisyong pinipili, hanggang sa pang-araw-araw na ating pamumuhay. Sa tulong ni Jean Baudrillard, isang social thinker nakilala sa pagiging radical niya sa kaniyang mga ideya maging sa kaniyang mga isinulat, lumawak pa ang aking kaisipan sa mundong aking kinabibilangan. Napansin at naunawaan ko ang mga kaganapang hindi ko noon labis na naiintindihan at nakikita. Maihahalintulad ang mga ideya ni Baudrillard sa teorya ni Veblen na conspitious consumption.

Malaki ang naging impluwensiya ni Marx sa teorya ni Baudrillard, ang kaibahan lang, si Marx ay nagfocus sa usapin o mga isyu na related sa production, habang si Baudrillard naman ay sa usapin ng consumption, magkaibang usapin ngunit iisa lang pinag-ugatan, ang walang kamatayang capitalism. Sinabi rin niya na malaki ang importansya ng produksyon sa pagkokonsumo. Ilang halimbawa nito ay ang Toyota, na kung saan ay kinkontrol ang consumptions pagdating sa industriya ng mga sasakyan, ang Microsoft na malaki ang epekto sa pagpurchase ng mga computer softwares. Maliban sa kinokontrol ng mga kapitalista ang produksyon, sila din ang naging dahilan ng pagkakaroon ng consumer society. From production to consumer society, kung sa teorya ni Marx ang mga tao ay naealienated dahil sa production dito naman naealienated ang tao dahil sa kaniyang consumption.

             Sinabi ni Baudrillard na consumption is a language, kung saan ang mga bagay na binibili natin ay may code na nakainddicate na siyang magsasabi kung ano ang estado natin sa buhay, ang code na ito ay alam nan g kahit na sino, kahit pa hindi mo ito ipaliwanag, ang halimbawa  nito ay, kapag bumili ka ng iphone ang tingin sayo ng tao mayaman ka, kasi ang ganitong uri ng cellphone ay talaga namang mamahalin at iilan lamang ay may kakayahang bumili nito, kapag naman cherry mobile ang tatak ng cellphone mo, iisipin ng tao na “ay ang cheap naman, yan lang yung cellphone niya”, iisipin nilang mahirap ka, o kaya mababa ang aestado mo sa buhay dahil yun lang ang nakayanan mong bilhin, dahil dito gagawa kang paraan para makabili ng iphone para masabi mo sa ibang tao na may kaya ka, uutang tayo sa iba para masabing may pambili ka talaga ng iphone. Dahil sa ganitong kaisipan, nawawala na yung totoong gamit ng isang bagay na iyon. Kumbaga tulad ng sa cellphone, imbes na ang dahilan natin ng pagbili nito ay dahil sa kailangan natin to para makipagkomunikasyon sa iba, ang nangyayari eh binibili natin to para may masabi. Sa kabuuan, people are what they consume.

Pinaniniwalaan natin na yung mga bagay na binibili natin ay talaga namang kailangan sa buhay, ngunit papaano nga ba masasabing ang pangangailangan talaga ang dahilan natin kung bakit tayo bumibili ng mas mamahalin kung maaari ka namang bumili ng mas makatitipid ka na pareho lang naman ang gamit? Maraming tao, maging ako ay biktima ng hyperconsumption o iyong pagbili ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan at hindi rin naman magagamit. Ang consumption ay isang pattern na ipinaliliwanag ang difference kaysa pangangailangan, kumukunsumo tayo para ipakita natin ang pagkakaiba natin sa ibang tao sa lipunan. Patuloy ang tao sa pagkonsumo at tila nagiging walang katapusan ito, para lang ipahayag sa iba na kakaiba tayo sa kanila at maipakitaa din ang estado natin sa buhay. Consumption is a form of communication. Ang code na nageexist ang siyang nagdidikta sa atin kung ano ba ang dapat na bilhin, kinokontrol nito ang pagpili natin sa mga bagay na ikokonsumo.  Naiiba an gating pag-iisip sa kung ano ba ang pangangailan natin dahil sa impluwensiyang hatid ng code. Ang halimbawa nito ay kapag bumili tayo sa McDonald’s ng Big Mac, hindi ito sa dahilang pagkain siya at kailangan ito n gating katawan, bagkus binili natin ito para ipakita sa iba na afford natin ang ganitong pagkain at ipamukha sa ibang tao na ang burger ay binili sa Angel’s Burger na mas angat tayo sa kanila, ganito iyung ipinupunto ni Baudrillard, sinabi sa teksto na “we are not consuming the reality of food, but the unreality of the signs associated with it.”

Sa sistemang mayroon tayo tulad nito, nababawasan na yung oras natin para makipaginteract sa kapwa, mas pinipili nating ubusin ang oras sa pagsashopping. Isa pang binaggit ay ang pagkakaroon ng mga tindahan ng self-service tulad ng sa pagkuha ng ATM, mga vending machines at kung ano pa, dahil dito nawawala yung interaksyon natin sa iba, at kung meron mang tao sa mga pamilihan, iisa lang yung palaging sinasabi, kumbaga scripted nga tulad yung sa sistemang meron yung sa McDonalization ni Ritzer, na kung saan ay hindi nabibuld yung relationship between employee and customers. Nagiging inhuman ang nangyayari.

Naisip ng mga kapitalista na kontrolin din ang mga consumers tulad sa pagkontrol nila sa mga proletariat. Kokontrolin sa paraang, nilalason nila ang kaisipan ng mga tao at hinihikayat na bilhin ang mga bagay na hindi kailangan at hindi kayang bilhin, sa paraang ito mas lalaki ang kita nila at mapipigilan pa ang mga posibleng pag-aaklas na mangyayari dahil ang mga tao ay magiging abala na sa pagtatrabaho para makamit ang bagay na nais nilang mabili.

Isa pa sa tinalakay ni Baudrillard ay ang loss of symbolic exchange and increase insimulation. Noong unang panahon, kapag ang tao ay namatay hindi parin nawawala yung interaksyon, ang kanilang kamag-anak ay bumibisita sa kanila para bigyan sila ng alay, ngunit sa panahon natin ngayon iilan nalang ang gumagawa nito, at sineseparate ng lipunan ang libingan ng mga taong namayapa na. Sa economic realm, ang symbolic exchange ay nililimitahan, ngunit sa panahon ngayon ang consumption ay nagiging walang katapusan, nangangahulugan din ito ng patuloy na pagpoproduce ng mga produkto na pabor para sa mga kapitalista. Sinasabi din na noon kapag ang tao ay nagtatrabaho, yung hilaw na materyales na kinukuha niya mula sa kalikasan ay pinapalitan niya sa pamamagitan ng pagtatanim, sa panahon naman ngayon, ang pagtatrabaho ng mga manggagawa kapalit ng leisure time ng mga kapitalista ay nakatatanggap sila ng pera mula dito, napakalaki ng pag-kakaiba. Noon din walang mga kapitalista na kasali kaya naman tuloy-tuloy lang ang symbolic exchange sa pagitan ng tao at kalikasan.

Sinabi ni Baudrillard na ang mundo natin ngayon ay hindi na magical tulad dati, nababalot tayo ng simulations. Halimbawa nito ay ang mga amusement parks and malls, pinaniniwala natin ang sarili na nasa lugar tayo noong unang panahon o di kaya’y sasakay tayo sa isang ship na ginawang rides na para bang naranasan nadin nating sumakay sa totoong barko. Dahil sa simulation hindi na natin naiintindihan ang pagkakaiba ng reality sa imaginary, sa katotohanan at sa kasinungalingan. Ang United States ang may pinaka mataas na simulation sa mundo at ang ibang bansa ay gumagaya narin dito. Maraming lugar sa mundo ang matatagpuan sa America dahil sa mga imitation nito sa mga lugar, dahil dito napapalitan na ng simulation ang totoo. Ilan pang halimbawa ay ang mga online shopping na kung saan ang mga tao ay namimili sa pamamagitan ng internet and computers kaysa magpagod pang pumunta sa aktwal na pamilihan. Sinabi din na “in the contemporary world, there is no truth; there is no reality. Without truth and reality it could be argued that we live in one huge simulation.”

            Inilarawan ni Baudrillard ang development na ito bilang hyperreal na kung saan, mas nagiging makatotohanan at maganda ang mga simulations kumpara sa orihinal. Ayon din sa kaniya unti-unti ng nakokontamina ng simulation ang reality, at nagdudulot ito ng inhuman technologies. Dahil sa sistemang meron ang U.S. tulad nito, humahabol narin ang ibang bansa at sa pagdating ng panahon, marahil ang mga tao ay mamumuhay na sa mundo ng kasinungalingan.

Hindi Pantay Na Pagtrato Sa Kababaihan

Isang isyung isinisigaw ng mga kababaihan sa mundo ay ang gender equality, o iyong pantay na pagtingin at pagtrato sa mga kababaihan saan mang sulok ng mundo. Hindi lingid sa ating kaalaman na lalaki ang madalas na namumuno at nasusunod lalo noong unang panahon. Ang mga babae ay pambahay lamang at walang karapatang magtrabaho. Dahil narin sa proseong ito, na tila nakakulong nga sila sa kanilang bahay at ang ilan pa ay nakakaranas ng pang-aabuso, naglakas loob na ang ilang kababaihan na isigaw ang kanilang hinaing.

Nabuo ang feminist theory sa tulong ng mga kababaihan, ito ay ang pagtingin sa mundo sa paraan kung papaano ito nakikita ng mga babae. Naglalayon ito na gumawa ng mundong makabubuti sa mga kababaihan. Nagsimula ito sa mga katanungan na,”what about the women?”. Noon, ang mga babae ay hindi nabibigyang importansya at madalas ay wala sa mga sitwasyong nagaganap sa lipunan, ang dahilan nito ay lagi lamang sila nasa loob ng kanilang tahanan at gumagawa ng mga gawaing bahay. Ang role na ginagampanan ng isang babae, kahit na mahalaga ay hindi napapansin dahil madalas na gampanin lamang ng mga kalalakihan ang nabibigyang importansya. Iniisip ng mga babae na bakit ganito ang sistema na mayroon tayo at ano nga ba ang dapat na gawin upang ito ay mabago?

Mapapansin na ang mga babae ay naaabuso, hindi lang noon, ngunit magpasa hanggang ngayon. Kabi-kabila ang mga balita tungkol sa rape, abuse, mistreatment at iba pa, na kung saan babae lagi ang nagiging biktima. Noon din, at sa ibang lugar ngayon, ang mga babae ay tinuturing na isang private property ng kanilang asawa, nakakulong lang sila sa loob ng bahay at dahil doon, hindi nila nalalaman kung ano na ba ang mga nangyayari sa kanilang lipunan. Dahil din sa sistemang ito, tumatak sa isip ng ibang tao na hanggang gawaing bahay nalang ang kayang gawin ng mga babae. Dati, nililimitahan ng lipunan ang mga bagay na gagawin ng mga kababaihan.

Ang feminism ay kilusan ng mga kababaihan na nagmula sa mga obserbasyon ng mga babae sa lipunan at sa mundo na hindi patas sa kanila sa maraming bagay tulad ng  pang-ekonomiko, politikal at iba pa. Mula sa pagpunang iyan naghangad ang mga kababaihan na mabago ang ganitong sistema at magkaroon ng pantay na karapatan ang bawat gender. Laging marginal ang mga babae, ang leader lagi ay lalaki, ang paraan ng pag-intindi sa mga bagay-bagay, sa pag-aaral, ekonomiya, sosyolohiya, karaniwan panglalaki, ang nagiging pananaw ng mga tao ay makalalaki. Nagiging patriarchal ang lipunan. Sa pamilya, lalaki ang namumuno. Kung hindi pa natin inaral ang sociology, patuloy lang tayong walang alam sa totoong nangyayari sa lipunan, hindi natin napapansin ang negatibong pag-iisip natin dulot ng patriarchal system. Hindi natin naiisip ang mga nararanasan at nararamdaman ng mga kababaihan. Halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng higit pa sa isang asawa ang mga lalaki, sa pananaw ng iba ay ayos lamang ito, lalo na sa ilang kalalakihan, ngunit, sa mata ng mga kababaihan, napaka hindi makatao ang ganitong bagay. Nagiging bias ang lipunan sa mga lalaki at hindi pinahahalagahan ang mga babae. Nakakulong sa apat na sulok lamang ng bahay ang mga babae kaya kahit na alam nilang naabuso na sila, hindi nila magawang lumaban. Kumpara sa mga manggagawa, ang mga kababaihan na nakakulong sa kanilang tahanan ay hindi naglakaroon ng pagkakataong pakipag-interaksyon sa kapawa nilang babae, kaya nahirapan silang bumuo ng samahan. Ang pagpasok sa paaralan lang ang nagiging paraan para makapag-usap ang bawat isa. Nagrereklamo sila sa pananaw ni Marx kung papaano bang naaabuso ang mga tao, kasi ginigeneralize niya lang yung mga karansan ng mga lalaking manggagawa, hindi nila alam na iba ang karanasan ng pang-aabuso sa mga babae.

Sa panahon natin ngayon patriarchal pa din ang laganap na sistema. Kung mapapansin natin, iyung mga matatanda sasabihin nila sa mga kalalakihan na “mag-asawa ka na kasi para may mag-aasikaso sayo”, sa ganiyang pag-iisip, kung ikaw ay isang feminist magagalit ka kasi iniisip ng mga tao na ang kababaihan ay utusan lamang ng kalalakihan. Ngunit sinasabi din na ang mga lalaki ay nabibiktima din ng ganitong sistema, hindi sila maaaring makipaghawak-kamay sa kapwa lalaki kasi masasabihan silang bakla. Ang kahinaan ng lalaki ay nakabatay sa kaniyang pagkilos, kapag kumilos at umasta siya ng pangbabae tulad ng pag-iyak, pag-susumbong, pag-iinarte at kung ano pang katangiang pambabae, makikita sila bilang isang mahinang lalaki.

Kung sa gender difference ipinapakita dito ang distinction sa pagitan ng babae at lalaki, sa gender equality ang babaae at lalaki ay pantay lang ang pagtingin at pagtrato. Ang gender inequality ay gumagawa ng standard na kung saan ay hinahadlangan nila ang mga kababaihan na magkaroon ng self-actulization. Sa panahon dati ang mga babaeng matalino, malakas at independent ay hindi desirable, dapat kasi, sa pananaw ng lipunan ang mga babae ay mahihinhin at nakdepende sa mga lalaki. Karagdagang impormasyon ay, ang lipunan ang humuhubog sa pagkalalaki at pagkababae ng isang tao.

Sa liberal feminism, isa itong teorya na sinasabing dahil sa patriarchal system na meron tayo nagkakaroon ng gender inequality sa mga batas, trabaho at maging sa loob ng pamilya. Mas madaming benefit ang nakukuha ng mga lalaki. Sa pag-iisip natin, babae ang naiiwan sa bahay at ang lalaki ang nagpoprovide ng lahat ng pangangailan, kung tutuusin yung trabahong ginagawa ng babae sa bahay kung susumahin lahat, mas malaki ang perang kikitain nila, doon nabuo ang kaisipan na hindi lang lalaki ang may kakayahan na kumita ng pera. Isa pang sinasabi sa teksto na hindi nga nagkakaroon ng self-actualization ang babae dahil lagi lang siya sa bahay, di tulad sa mga lalaki na nakakapunta sa iba’t ibang lugar at nakakasalamuha ng ibang tao. Sa kabuuan ang liberal feminism ay gumagawa ng paraan para mas mapabuti ang lagay ng kababaihan sa pammagitan ng legislation, hindi tulad sa Marxist feminist na naniniwalang hindi sapat ang batas at dapat baguhin ang mismong lipunan na siyang nag-ugat sa lahat, kailangan ng rebolusyon para makamit ito. Pareho ang Marxist at feminist sa kagustuhang baguhin ang sistemang mayroon ang lipunan. Hangarin ng feminist na magkaroon ng kalayaang pumili at pakinggan ang mga sinasabi ng kababaihan.

Kung sa gender inequality, pinakita ang hindi pagkakapantay ng babae sa lalaki, tapos sa gender difference, ay ang pagkakaiba ng lalaki sa babae, sa gender oppression naman, dito ang mga kalalakihan ay kinokontrol na ang mga kababaihan. Nagkakaroon nang domination ang mga lalaki sa mga babae. Nakatanim sa isip ng mga tao na pag lalaki ka, ikaw yung dominant at kapag babae naman, ikaw yung subordinate, at ang patriarchy ang may ugat ng lahat ng ito. Nadedevelop ang patriarchy sa pamilya kaya akala ng mga tao ay normal lang ito. Naiimpluwensiyahan ang kabataan sa pag-iisip na naghahari ang kanilang ama o mga lalaki dahil sa sitwasyong nakikita nila sa loob ng tahanan na yung tatay nila paupo-upo lang samantalang ang nanay naman nila ang abala sa gawaing bahay.

Pagdating naman sa structural oppression, ito yung kung saan nakakakuha ng benepisyo ang kalalakihansa pagkontrol nila sa kababaihan. Inirerelate nila ang feminism sa capitalism, sa paraang ineexploit ng mga lalaki iyung babae. Yung status ng kababaihan sa global capitalism ay mababa, kaya para sa mga kapitalista dito sila nakakakuha ng tinatawag na easy profit, hindi nga makaangal noon ang mga babae dahil sa sistemang mayroon ang lipunan. Ayon sa libro nina Marx at Engels na “the origins of the family, private property and the state” ipinakita dito na pagdating sa kinikita pag nagtatrabaho, mas maliit ang kanilang sweldo kumpara sa kalalakihan at mas mailap ang opotunidad para sa mga babae. Sinasamantala din ng mga kapitalista ang pagiging consumer ng kababaihan.

Sinasabi ng ilang peminista na kung babae ang mamumuno, mas magiging ligtas daw ang lipunan. Sa pag-aaral ni Margaret Mead, isang cultural anthropologist¸ nakita nila sa lugar ng Papua New Guinea na babae naman ang nagdodominate, sila ang namumuno, tapos naman ang mga lalaki naman ang nasa bahay. Pinapakita lamang nito na mayroon din naman kapangyarihan ang mga kababaihan sa ilang lugar’

Dahil sa tulong ng mga feminist, ang buhay ngayon ng mga kababaihan ay mas makatarungan na, mayroon na tayong kalayaan at mga karapatan. Noon, ang pangarap ng mga babae ay ang makapag-asawa lang ng mayaman, samantalang ngayon may kalayaan na tayong mangarap pa ng mas mataas. Gagawin ng mga peminista ang lahat para lang magbago ang dating tingin ng tao sa kababaihan at mas bigyan pa sila ng pagpapahalaga at maacknowledge yung mga bagay na kaya rin naman nilang gawin.

Ang Hindi Mapipigilang Juggernaut

Si Anthony Giddens, isang modern social theorist, ang pagtingin niya sa mundo ay kaiba sa ilang classical theorist tulad nina Marx at Weber. Para kila Marx at Weber sa paglipas ng panahon ay maaari pang mabago ang sistemang meron ang mundo at lipunan nito. Ngunit taliwas sa ganitong kaisipan, si Giddens ay naniniwala na ang modern society ay hindi mapipigilan at mababago.

Sa teorya ni Giddens, inilarawan niya ang modernity bilang isang juggernaut. Ibig sabihin, ang modernity ay tila isang malaking pwersa na hindi mapipigilan, at tulad ng isang dambuhalang sasakyan, kaya nitong gibain ang lahat ng nakaharang sa kaniyang landas na tinatahak. Ang bilis at ang daang lalandasin ay hindi kayang makontrol ng sinoman. Sa kabila ng kaguluhang maaari nitong ihatid sa atin, ang modernity din ay may mabuting dulot sa lahat. Halimbawa nito ay yung kaso sa Fen Phen, isang drug na nagpapabawas sa timbang, maraming tao ang bumili nito, ngunit sa pagkonsumo nila ng produktong ito maraming tao ang nagkaproblema sa puso.

Sa pagiging modernized ng mundo, maraming bagay na ang nadedevelop, at madalas sa mga bagay na ito nagkakaroon ng distaniciation. Dahil sa pagkakaroon ng space and time, ang mga tao ay dumidepende at napipilitan nalang maniwala sa mga experts patin narin sa kanilang mga imbensyon (hal. nuclear technologies), kahit na wala silang katiyakan kung mabuti ba ang dulot nito sa tao. Sa makabagong panahon ang mga tao ay reflexive, hindi sila satisfied sa pagasa nalang sa mga experts gusto rin nilang malaman kung ano ba ang dulot nito sa atin, dahil sa constant examinations na ginagawa natin sa mga isyu nagkakaroon tayo ng kaalaman at dahil dito nakakaramdam tayo ng uneasiness, papaano pala kung magdulot ng kapahamakan itong bagong develop na mga teknolohiyang ito sa atin? kaya ang mga tao ay pinag-iisipan muna ng mabuti yung aksyon na gagawin nila, dahil sa isang pagkakamaling magagawa ay maaari itong magdulot ng matinding kapahamakan.

Sa tinatawag ni Giddens na high modernity lahat ng tao ay nakararanas ng insecurity. Itong insecurity ay naging manageable noong bata tayo sa paniniwala na hindi lang magulang at pamilya ang maaaring pagkatiwalaan, ngunit pati ang mga awtoridad. Sa paglaki natin, pinagtitiwalaan natin ang mga eksperto sa kabila ng kaalaman natin na hindi nila kayang kontrolin ang juggernaut. May binigay na kasagutan si Giddens patungkol sa katanungan na “why is the juggernaut always threatening to rush out of control?”, ayon sa kaniyang unang kasagutan ay, mayroong pagkakamaling nagawa ang mga lumikha ng juggernaut, tulad ng sa nuclear reactors na nagdulot ng meltdown. Sunod na sagot niya ay, may mga pagkakamali ring nagagawa ang nagkokontrol dito kaya nagkaroon ng meltdown sa Chernobyl, resulta ito ng pinagsamang failure to operate and design faults. Sa ikatlong sagot naman niya, ang juggernaut ay unpredictable, hindi natin kayang makita yung mga posibleng mangyari, halimbawa nga nito ay yung isyu sa Fen Phen, hindi rin nila alam na magkakaroon ng side effect yung drugs na ibinebenta nila. At ang huling sagot naman ni Giddens ay, ang mga tao at eksperto ay nakakalikha ng bagong kaalaman sa juggernaut na ito, at kung may babaguhin sila dito maaaring mas dumami pa ang negatibong epekto nito sa lahat.

Sa kabuuan, ang juggernaut, sa aking pag-intindi ay ang mga imbensiyon ng tao na hindi kayang makontrol dahil sa pagiging unpredictable nito. Wala tayong ibang magagawa kundi ang hintayin nalang ang resultang hatid nito sa atin.

Si Anthony Giddens, isang modern social theorist, ang pagtingin niya sa mundo ay kaiba sa ilang classical theorist tulad nina Marx at Weber. Para kila Marx at Weber sa paglipas ng panahon ay maaari pang mabago ang sistemang meron ang mundo at lipunan nito. Ngunit taliwas sa ganitong kaisipan, si Giddens ay naniniwala na ang modern society ay hindi mapipigilan at mababago.

Sa teorya ni Giddens, inilarawan niya ang modernity bilang isang juggernaut. Ibig sabihin, ang modernity ay tila isang malaking pwersa na hindi mapipigilan, at tulad ng isang dambuhalang sasakyan, kaya nitong gibain ang lahat ng nakaharang sa kaniyang landas na tinatahak. Ang bilis at ang daang lalandasin ay hindi kayang makontrol ng sinoman. Sa kabila ng kaguluhang maaari nitong ihatid sa atin, ang modernity din ay may mabuting dulot sa lahat. Halimbawa nito ay yung kaso sa Fen Phen, isang drug na nagpapabawas sa timbang, maraming tao ang bumili nito, ngunit sa pagkonsumo nila ng produktong ito maraming tao ang nagkaproblema sa puso.

Sa pagiging modernized ng mundo, maraming bagay na ang nadedevelop, at madalas sa mga bagay na ito nagkakaroon ng distaniciation. Dahil sa pagkakaroon ng space and time, ang mga tao ay dumidepende at napipilitan nalang maniwala sa mga experts patin narin sa kanilang mga imbensyon (hal. nuclear technologies), kahit na wala silang katiyakan kung mabuti ba ang dulot nito sa tao. Sa makabagong panahon ang mga tao ay reflexive, hindi sila satisfied sa pagasa nalang saa mga experts gusto rin nilang malaman kung ano ba ang dulot nito sa atin, dahil sa constant examinations na ginagawa natin sa mga isyu nagkakaroon tayo ng kaalaman at dahil dito nakakaramdam tayo ng uneasiness, papaano pala kung magdulot ng kapahamakan itong bagong develop na mga teknolohiyang ito sa atin? kaya ang mga tao ay pinag-iisipan muna ng mabuti yung aksyon na gagawin nila, dahil sa isang pagkakamaling ito maaari itong magdulot ng matinding kapahamakan.

Sa tinatawag ni Giddens na high modernity lahat ng tao ay nakararanas ng insecurity. Itong insecurity ay naging manageable noong bata tayo sa paniniwala na hindi lang magulang at pamilya ang maaaring pagkatiwalaan, ngunit pati ang mga awtoridad. Sa paglaki natin, pinagtitiwalaan natin ang mga eksperto sa kabila ng kaalaman natin na hindi nila kayang kontrolin ang juggernaut. May binigay na kasagutan si Giddens patungkol sa katanungan na “why is the juggernaut always threatening to rush out of control?”, ayon sa kaniyang unang kasagutan ay, mayroong pagkakamaling nagawa ang mga lumikha ng juggernaut, tulad ng sa nuclear reactors na nagdulot ng meltdown. Sunod na sagot niya ay, may mga pagkakamali ring nagagawa ang nagkokontrol dito kaya nagkaroon ng meltdown sa Chernobyl, resulta ito ng pinagsamang failure to operate and design faults. Sa ikatlong sagot naman niya, ang juggernaut ay unpredictable, hindi natin kayang makita yung mga posibleng mangyari, halimbawa nga nito ay yung isyu sa Fen Phen, hindi rin nila alam na magkakaroon ng side effect yung drugs na ibinebenta nila. At ang huling sagot naman ni Giddens ay, ang mga tao at eksperto ay nakakalikha ng bagong kaalaman sa juggernaut na ito, at kung may babaguhin sila dito maaaring mas dumami pa ang negatibong epekto nito sa lahat.

Sa kabuuan, ang juggernaut, sa aking pag-intindi ay ang mga imbensiyon ng tao na hindi kayang makontrol dahil sa pagiging unpredictable nito. Wala tayong ibang magagawa kundi ang hintayin nalang ang resultang hatid nito sa atin.

 

Ang McDonalization At Ang Dulot Nito Sa Mga Tao Sa Lipunan

Sa panahon nga natin ngayon, kabi-kabila ang makikitang fast food restaurants. Ginawa ang mga ito para sa mga taong naglalakbay at mga nagtatrabaho, na kung saan ay limitado lamang ang oras ng kanilang pagkain, kaya naman naisipan ng mga kapitalista na magtayo ng kainan na kung saan ay ang paghahain ng pagkain ay mabilisan, hindi tulad sa mga fine dining at iba pang uri ng restaurants, bukod din sa mabilis na serbisyong alok nila, ang presyo din ng pagkain dito ay abot kaya. Para sa atin, normal lang naman ang mga ganitong uri ng restaurants, lalo na sa panahon natin ngayon, sa iba’y naging parte na ng kanilang buhay ang pagkain dito. Taliwas sa ganitong kaisipan ng nakararami, ayon kay George Ritzer, isang sociology professor, ang ganitong uri ng sistema ng mga fast-food chain industry ay mayroong malaking epekto sa atin. Nag-publish siya ng libro na may pamagat na “The McDonalization of the Society”, isa sa pinakamabentang libro sa kasaysayan ng sosyolohiya, ito ay base sa impluwensyang nakuha niya mula kay Weber.

Mayroong limang dimensions of McDonalization, isa dito ay ang efficiency. Ang mga trabahador ay nagtatrabaho ng mahusay, meron silang assembly line kung saan nila inihahanda at inaasikaso iyung mga orders ng customers, at ang mga customers naman dapat na efficient din sa pagconsume nila ng pagkain nila. Merong norms, batas at patakaran, procedures at structure na sinusunod sa isang fast-food restaurant para maensure nga na parehong ang empleyado at customers ay aakto sa efficient na paraan.  Ang pangalawa naman ay ang calculability, mas nakapokus ang mga empleyado sa paggawa ng maraming order at nababawasan na ang kalidad na dapat meron ang pagkain na kanilang inihahain. Dahil nga fast-food restaurant, dapat mabilis kumilos yung mga empleyado, at dahil din sa prosesong ito, nae-alienated ang isang trabahador sa bagay na kaniyang ginagawa. Sa kabila nga ng mabilis na pagkilos ng mga manggagawa, expected din na dapat ang mga customers ay mananatili lang sa loob ng restaurant sa maikling oras lamang. Sunod na dimension ay ang predictability, pagpumapasok tayo sa fast-food restaurant, madalas binabati tayo ng mga empleyado tapos tatanungin tayo kung anong bibilhin natin tapos tayo naman sasabihin natin kung ano ang gusto natin, hanggang sa paulit-ulit na scenario lang ang magaganap. Parang nagiging robot ang mga manggagawa dahil scripted at paulit-ulit lang yung bagay na ginagawa nila sa pagtatrabaho. Ika-apat naman ay iyung control, dahil nga sa mabilisang gawa, may mga makinilya na ginagamit ang mga workers para mapadali yung proseso, dito automatically na nagagawa yung pagkain, ang gagawin nalang nung empleyado ay ihain ito sa customers, at dahil nga makina yung gumagawa, kung ano lang yung standard na paggawa yun lang din ang makukuha nung customer, hindi siya makakapagrequest kung anong luto ba yung gusto niya ‘di tulad sa mga fine dining restaurants. Tapos ang huli ay ang irrationality of rationality na hango sa ideya ni Max Weber. Dahil sa prosesong meron ang fast-food restaurants, hindi na nagiging rasyonal yung nangyayari, ang mga trabahador ay napipilitang magtrabaho sa paraang itinuro sa kanila, at ang customers naman ay napipilitang kumain sa settings at circumstances na meron, isa itong proseso ng dehumanizing o yung pagkawala ng pagkatao ng isang tao.

Sa paglipas ng panahon, kapansin-pansin ang pagdami ng McDonald’s, hindi lang sa Amerika na unang pinagtayuan nito, bagkus pati narin sa iba’ ibang bahagi ng mundo. Nagsulputan narin ang iba’t ibang industrya na tulad nito. Dahil sa patuloy na paglawak ng McDonald’s, ang ilang uri ng negosyo at ilang kumpanya ay ginagaya narin ang sistema na meron ang McDonald’s. Sa ibang paraan ng pagtingin, nagiging mas importante ang McDonald’s kaysa sa United State mismo, dahil sa impluwensiyang naipalaganap nito. Dahil nga sa naaadopt ng ibang kumpanya ang ganitong sistema, nagiging rationalized na ang lipunan, na kung saan nalilimitahan lang ang kilos at galaw ng mga tao dahil sa batas na sinusunod nila, at tulad ng sinabi noon ni Weber na ang mga tao ay nakakulong sa isang iron cage.

Ayon din sa ilang Globalization theorist, dapat daw nakatuon ang pokus sa global processes hindi yung sa specific na bansa lang. Sa ilang theories kasi laging Amerika yung pinagbabasehan at kung ano ang impact nito sa ibang bansa. Iba iba ang sistema na mayroon sa bawat bansa, hindi lang kanluranin ang laging dapat na basehan. Isa pa ang usapin globally ang siya naman talagang importante. Isang isyu nga na kinahaharap natin ay ang tensiyon sa pagitan ng cultural homogenization (pagsasama ng magkakatulad na bagay) at cultural heterogenization (pinagsamang magkakaibang bagay), na nakakaapekto sa local culture. Isang halimbawa ng cultural homogenization ay ang McDonalized systems.

Sa kabuuan, napakalaki nga ng naging epekto ng McDonalization sa lipunan partikular sa mga tao. Nawawala ang interaksyon ng tao sa kanilang kapwa dahil sa mga sistemang ipinatupad ng mga kapitalista. Sa lahat nalang ng isyu at problema na meron ang lipunan ang laging ugat nito ay ang mga kapitalista at ang mga patakarang sila din ang gumagawa, at tayo namang mga mamamayan ay nagiging bulag sa mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan at nagiging manhid sa mga bagay na itinuturo at idinidikta sa atin.

Pagkawala Ng Gamit Ng Isang Bagay

Aking natuklasan ang problemang kinahaharap ng kulturang mayroon ang isang lipunan. Si George Simmel, pangatlo sa importanteng German social theorist of the classical age, ay may teorya na may pamagat na “the growing tragedy of the culture” kung saan ay binigyang pansin niya ang epekto ng mga produktong nagawa sa kakayahan ng taong gumagawa nito.

Binigyang kahulugan ni Simmel ang objective (collective) culture at subjective (individual) culture. Ang objective culture ay ang mga bagay na ginawa ng mga tao (art, science, philosophy etc.). Ang subjective culture naman ay ang kakayahan ng isang tao na makagawa ng mga objective culture. Habang tumatagal, ang abilidad ng tao na maging malikhain ay nag-iincrease, dahil dito dumarami ang mga bagay na kanilang nalilikha. Lumalaki ang objective culture dahil ito sa mga kaalamang nakakalap natin sa paglipas ng panahon. Dumadami din ang iba’t ibang components ng objective culture, halimbawa na nga nito ay, noong mga nagdaang panahon wala pang internet sa mundo, ngunit dahil sa subjective culture na meron ang tao ay nakalikha sila nito at ng ito ay umusbong, naging malaking parte na ito sa buhay ng tao. At muli, sa paglipas ng panahon, marami pang bagay na matutuklasan at aalamin ang tao. Habang tumatagal kasi, ang mga bagay na ating nilikha ay nagiging beyond of our comprehension, may mga bagay na hindi na natin lubos na nauunawaan, at mga bagay na ito ay nagkakaroon ng kapangyarihan upang ang tao ay kontrolin. Ayon nga kay Simmel ito na ang tinatawag niyang tragedy of culture, na kung saan, ang mga bagay nalilikha mismo ng tao ang siyang kumokontrol sa tao.

Isang pang kahulugan ng tragedy of culture ay iyong mga bagay na nililikha natin ay naiiba na ang purpose, halimbawa sa mga damit, bumibili tayo ng damit hindi dahil sa kaisipang kailangan natin ng masusuot at proteksyon sa katawan, bagkus, bumibili tayo nito dahil sa fashion, maganda ba itong pang-porma, mga ganung bagay. Dahil dito, nauuwi tayo sa pagbili ng mga ganitong bagay sa maling kaisipan, at dahil dumadami na ang demand sa produktong iyon, ang mga manggagawa ay nagpoproduce ng mga ito ng maramihan ay nawawala narin yung passion natin sa paggawa, kumbaga, gumagawa lang tayo nito dahil kinakailangan.

Isa sa factor ng tragedy of culture ay ang paglaki ng division of labor. Sa padami ng mga specialization ability na meronn ang mga tao, lumalawak ang ating objective of culture at mas nagiging komplikado ang mga ito.  Kasabay ng pagkakaroon ng highly specialized individual nawawala na yung essence na meron ang total culture at nawawala na rin ang abilidad ng tao na kontrolin ang mga iyon. Habang lumalawak yung objective culture o dumadami ang mga bagay na napoproduce, nababawasan naman ang subjective culture o iyong abilidad na magproduce ng isang tao, dahil sa technology na meron tayo, yung mga bagay na yun  narin ang nakakagawa ng mga objective culture.

Dahil sa pag-usbong ng teknolohiya ay napadali na ang pamumuhay natin, bukod dito, mas dumami pa ang bagay na mapagpipilian natin kaysa sa kung ano ang meron tayo noon. Sinasabi din ni Simmel na the individual is destined to be a loser, ang ibig niyang sabihin dito, nagiging laruan nalang tayo ng mga bagay na nilikha natin, na tayo mismong mga tao ay nagiging insignificant na. Sa patuloy na pag-unlad ng mundo, magkakaroon ng greater and greater tragedy of culture tayo, isang bagay na nakatadhana na.

Kulungang Nabuo Dulot Ng Sobrang Rasyonalidad

Nalaman ko ang koneksyon ng ilang relihiyon sa sistema ng capitalism, nakita ko kung papaanong ang paniniwala nila ay nakaapekto dito. Higit sa lahat, nalaman ko ang rationality at ang epekto nito sa mga tao sa lipunan. Ang lahat ng ito ay aking natutunan sa tulong ni Max Weber, isang German Theorist. Marami ang naiambag ni Weber sa social thought, sinasabi ring isa siya sa importanteng tao sa larangan ng sosyolohiya kasunod ni Marx (ang isa ay si Emile Durkheim). Isa sa kaniyang grand theory ay ang “the increasing rationalization of the West”, kung saan ay tinalakay niya sistemang nagaganap sa mga bansa sa kanluranin. Inihayag din niya ang iba’t ibang rasyonalidad.

Ayon kay Weber, mayroong apat na uri ng rationality, una na nga diyan ay ang tinatawag niyang practical rationality, o iyong pagiging rasyonal ng isang tao ay nakadepende sa kaniyang pang-araw-araw na karanasan. Sa mga problemang kinahaharap natin, pinipili natin ang iba pang paraan na mas nababagay sa sitwasyong iyon, o iyong paraan na mas mapapadali tayo. Sa sarili nito mismong salita na praktikal, ibig sabihin, mas doon tayo sa paraang madali at mahalaga. Halimbawa ng practical rationality ay kapag naabutan tayo ng trapiko at mahuhuli tayo sa trabaho, pipiliin nalang natin na ibahin ang ruta na dadaanan para mas mapadali at mapabilis ang biyahe. Sunod naman ay ang theoretical rationality, dito iniintindi muna natin iyong sitwasyon na kinalalagyan natin bago tayo gumawa ng aksyon, at matapos mapag-aralan at maunawaan, hahanap naman tayo ng mga paraan na masosolusyunan ang ating problema. Isang halimbawa rin nito ay ang problemang-tapiko, upang malaman ang solusyon dito ay kinakailangan ang opinyon at mungkahi na manggagaling sa mga bihasa sa usaping pantrapiko. Tapos ang pangatlo naman ay ang substantive rationality, ito naman ay kung saan ang aksyon na gagawin nila ay nakadepende sa kapakanan ng nakararami, nakabase sa sinusundang paniniwala o mga bagay na dapat gawin ang iyong aksyon, isa ngang ginawang halimbawa dito ay sa mga tribo, kapag sinabing magriritwal muna bago lutuin o ihain ang pagkain, yun ang susundin sapagkat sa kanila rational ang ganun, ‘di ‘tulad sa practical rationality na para sa ganoong sistema, hindi rasyonal ang pagriritwal dahil inuubos lang nito ang oras na maaari mo pa sanang magamit para sa ibang bagay. Ang huli naman at ang pinaka-importante kay Weber ay ang formal rationality, iyong mga bagay na gagawin at isakikilos ng mga tao ay nakabatay sa mga batas at panuntunan na mayroon sila, maihahalintulad ito sa makabagong panahon sa west, ayon kay Weber.

Para rin kay Max Weber, malaki ang gampanin ng relihiyon sa pagtaas ng rationalization. Isa sa relihiyong ito ay ang Protestantism na matatagpuan sa mga bansa sa kanluran, at nakapaloob doon ay ang Calvinism. Ayon sa nabanggit na sektor, naniniwala sila na isang senyales na maliligtas ka ay nakaayoon sa estado mo sa buhay o kung gaano ka kaasenso. Dahil sa paniniwalang ito, maraming Calvinist ang nagtatayo ng mga negosyo, wala silang pakielam kung ang mga taong nagtatrabaho sa kanila ay nasa ibabang estado, basta ang mahalaga ay maililigtas nila ang sarili. Maihahalintulad ito sa capitalism na mula sa ideya ni Marx, ang kinaibahan lamang ay ang mga Calvinist ay sinusunod ang ganitong proseso ayon narin sa kanilang paniniwala, di tulad kay Marx na gumagawa ang mga kapitalista ng isang sistema na ang layunin ay magkaroon ng pera, ito ay tinatawag na spirit of capitalism, kung saan ang ideya ng sistemang mayroon ay nauuwi sa capitalism. Sinasabi ding sa tulong ng protestant ethic mas napapalago pa nito ang capitalism. Sa kabilang dako naman, sa mga bansa sa Asya, ang capitalism ay hindi gaanong nadevelop dahil sa iba nilang paniniwala. Una ay ang Confucianism na makikita sa bansang Tsina, sa kanila, hindi masusukat ang estado mo sa buhay sa iyong yaman, bagkus para sa kanila mas tinitingala nila ang matatalino. Ang mga taong kabilang sa relihiyon ng Confucianism ay hindi nakikielam sa mga aktibidad pang-ekonomiya. Para naman sa mga Hinduism sa lugar ng India, naniniwala sila na kapag ikaw ay maunlad at asensado sa buhay ay naging mabuti ka noong bago ka namatay (reincarnation). Naniniwala sila na ang pag-sunod sa batas ang kanilang salvation, taliwas sa kaisipan ng mga naniniwala sa Protestantism na kapag successful ka, maliligtas ka.

Ang sumunod naman ay ang authority structures and rationalization o iyong iba’t ibang uri ng awtoridad na mayroon sa lipunan at ang rasyonalidad na mayroon ito. Ang una ay ang traditional authority na kung saan ang namumuno o may kapangyarihan ay ang pinakamatanda sa tribo o ‘di naman kaya’y ang descendant ng mga nauna, ang halimbawa nito ay ang monarchy sa Europe, mayroon silang reyna na namumuno at ang magiging tagapagmana nito ay ang kaniyang anak o iba pang may royal blood. Isa pa, lahat ng kapangyarihan at kautusan ay manggagaling sa kanilang pinuno. Sumunod naman dito ay ang charismatic authority, ang mayroong awtoridad dito ay ang mga taong maimpluwensiya, o iyong may katangi-tanging abilidad na nakapukaw sa atensyon ng masa, dahil dito sa charisma na mayroon siya, napapasunod niya ang mga tao. Subalit ang ganitong kalakaran ng pag-aadministra ay hindi rasyonal, at hindi angkop sa pang-araw-araw na demand ng pamumuno sa isang lipunan. Matapos makuha ang awtoridad ng isang charismatic leader, gagawa sila ng paraan para mas maging mabuti ang pamumuno sa panahon niya at kung sakaling mamatay, ang susunod na papalit sa kaniyang pwesto ay ang kaniyang mga followers para ang sistemang naumpisahan ay magpatuloy pa. Ang prosesong kung saan nirerecast nila ang kakaiba at revolutionary na katangian ng kanilang regime ay tinawag ni Weber na routinization of charisma. Ang charismatic authority din ay maituturing na revolutionary force dahil kaya nitong baguhin at impluwensiyahan ang pag-iisip ng mga taong kaniyang nasasakupan, ngunit para kay Weber rationality parin ang pinakamahalaga, dito naman papasok ang tinatawag niyang rational-legal authority. Nakaayon sa batas ang pamantayan ng pagpili ng kanilang pinuno. Mayroong voting system at kung sino ang makakuha ng pinakamalaking bilang ng boto ang siyang maluluklok sa posisiyon. Maihahalintulad natin ito sa sistema ng botohan sa Pilipinas.

Mayroong ibinigay na ideya si Weber na pinaka-ideyal na halimbawa ng awtoridad, ito ay ang bureaucracy, isang uri ng pamumuno na kung saan ang pinuno ay bound by rules. May kaniya-kaniya ring function ang bawat isang opisiyales. Ibinibigay sa namumuno ang bagay na kailangan niya para magawa ang kaniyang trabaho, ngunit hindi ito nangangahulugang pag-aari na niya ang nasabing bagay. Marami pang katangian na talaga namang ideyal na mayroon ang bureaucracy, at hanggang sa ngayon ang ganitong uri ng awtoridad ay hindi parin nakikita sa kahit saang lugar.

Para kay Weber, ang rationalization ay mabuti, perperkto at makatutulong para sa isang maayos na lipunan, pagsinabi kasi nating rationality ito iyong may sinusunod tayong protocol, ngunit, ayun nga kapag nasobrahan ay hindi na nagiging maganda. Sa pagtaas ng rationality, ang mga tao ay nakukulong sa tinawag niyang iron cage, at ang mga pag-iisip at aksyon na gagawin ay nalilimitahan dahil nakadepende sa kung ano ang idinidikta sa atin ng may kapangyarihan at kung papano nila tayo kinokontrol ang lahat ng bagay.

 

Sistemang Lumamon Sa Kaisipan Ng Tao

Malaki ang naging impluwensya ni Marx sa mga sumunod na social theorist. Maraming bagong teorya ang nabuo dahil sa mga ideyang kaniyang ibinahagi. Ilan na nga dito ay ang Critical theory and the culture industry. Nasaad dito ang epekto ng cultural industry sa kung papaanong mag-isip at kumilos ang mga tao sa loob ng isang lipunan.

Ang Critical theory and the culture industry na nabuo dahil sa critic ng mga social theorist sa capitalism, ito ay naglalayong ipaintindi ang pagusbong ng culture industryat ipakita kung papaanong naiba o nabago ang sistema ng ekonomiya at naging cultural, kung saan ang tao ay kinokontrol ng kultura na mayroon ang isang lipunan. Tinawag nila ang isyung ito na superstructure, sa kadahilanang nagiging basehan ng lahat sa lipunan ay ang ekonomiya. Sa panahon ni Marx nakatuon ang pag-aaral sa kung papaanong kinokontrol kapitalista ang lipunan, ngunit ngayon nakatuon na sila sa cultural aspect kung saan ang culture naman ang kumokontrol sa pag-iisip at pananaw ng mga tao.
Ayon sa kanila, ang culture ay may napakalaking impluwensya sa pag-iisip ng tao, sinasabing culture industry o ang industriya na naglalabas ng mga pelikualang napapanood natin at radyo na napakikinggan ang may kagagawan nito. Dahil sa mga nabanggit na uri ng medya nalilihis iyung atensyon natin at nalilimutan na ang isyung pang-ekonomiya. Kung ikukumpara sa nararanasan ng mga proletariat sa kanilang pagtatrabaho na kung saan nararamdaman nila na dinidiktahan sila at nadodominahan ng mga kapitalista, sa culture mas malala ang epekto nito, dahil tila hindi pansin ang pagkontrol nila sa atin, dahil nga masyado na tayong nilalamon ng paglilibang natin sa medya, hindi natin alam na dinidiktahan na pala tayo ng mga kapitalista. Sa totoo lang tayo pa mismo ang naglalapit sa sarili natin sa ganitong sistema, masyadong nakatuon ang pansin natin sa medya. Dahil sa ganitong kalakaran, nawawalan na tayo ng panahon para isipin at intindihin ang isyu pang-rebolusyunaryo. Mass culture, naman ang tawag sa mga programang ipinalalabas sa telebisyon, masyadong nakakakain ng medyang ito ang oras at atensyon natin, nababago din nito ang ating pag-iisip tulad sa halimbawa ng mga game shows na pinapanood natin yung mga naglalaro o kaya quiz shows, kung saan ay nagkakapera ang mga manlalahok kapag sila ay nanalo, kahit hindi na sila magtrabaho pa, kaya naman tayo iniisip natin na “paano kaya kung sumali din ako doon at manalo, tiyak napakalaking pera ang matatanggap ko”, mga ganiyang pag-iisip na kagagawan ng mga culture industry, dahil dito hindi natin iniisip na niloloko lang tayo ng mga kapitalista, kasi nga nakakulong tayo sa pag-iisip kung papaano makasali doon at manalo. Malaki ang gampanin nitong culture industry sa pagpapanatili ng capitalism, sa paraang ginagawa nila ang mga tao na consumers. Sa pagkoconsume natin mas kumikita ang mga kapitalista sa paglalabas ng mga produkto nila. Nagiging mass consumers tayo sa impluwensya na nakikita natin sa mga medya, nahihikayat tayong bilhin ang produkto. Muli, dahil sa pamimili natin, nauubos na naman ang oras para sana sa pag-aaral sa rebolusyon. Isa pa, dahil nga sa luho, kinakailangan ng mga tao nagmagdoble trabaho para makayanan nilang bilhin ang produktong gusto nila kahit pa gaano ito kamahal. Sa pag-usbong ng mga medya tulad ng computer, imbes na gamitin ito sa pag-aaral, nagiging libangan na lamang ito ng mga tao at nagiging daan ng mga kapitalista para ipakilala pa ang produkto na meron sila. Habang tumatagal nilalamon na tayo ng medya at nawawala na sa pag-iisip natin ang usapin tungkol sa rebolusyon.
Sa paglipas ng panahon, umusbong na nga ang makabagong teknolohiya, na ayon sa isang critical theorist na si Herbet Marcuse, ang mga teknolohiyang tayo ang gumawa ay dapat na tayo ang kumontrol dapat ginagamit natin ang mga makabagong teknolohiyang ito para ipahayag ang ating kakayahan, subalit kabaligtaran ang nangyayari, dahil sa kagagawan ng mga kapitalista, tayo na ang kinokontrol ng mga teknolohiyang ito, tinawag niya itong one-dimensional society. Kinokontrol ang tao sa paraan kung papaano tayo nag-iisip at umaaksyon. Ginagamit ng mga kapitalista ang teknolohiya para maexploit o abusuhin ang mga proletariat at kontrolin sila. Ang resulta ng sistemang ito ay nawawala na yung kapasidad ng tao na mag-isip ng kritikal at isipin ang mga masasamang kagagawan ng mga kapitalista, dahilan ito kung bakit nawala narin ang abilidad ng tao na mag-alsa laban sa sistema ng Capitalism. Bukod kay Marx, ang isa pang tao ang nakaimpluwensiya sa ganitong pag-aaral ay si Weber, na ayon sa kaniyang teorya ng rationalization, ang sistema ay nagiging rationalized na, binabase natin ang ating mga kilos sa kung ano ang idinidikta ng culture industrypartikular ng kapitalista kahit na indirectly. Sinasabi din nilang ang pagtaas ng rationality ay tumutungo sa tinatawag nilang technocratic thinking kung saan ang mga tao, halimbawa nito ay iyong mga proletariat, na pinipilit ng mga kapitalista na magtrabaho ng mahusay, at dahil sa pamimilit o pagkagipit na ibinigay sa kanila, hindi na nila naiisip kung papaano nila ginagawa yung produkto o kung nakakaapekto na ba ito sa iba, o di kaya’y sa kalikasan. Halimbawa nito ay paggawa ng mga gusali, dahil inutusan sila na gumawa ng mahusay, siyempre gagalingan na nila ang pagtatrabaho pero ayun nga, hindi nila napapansin na mali na pala yung ginagawa nilang pagputol ng mga puno para lang makabuo ng isang gusali. Dahil sa technocratic thinking nawawala na sa proseso ang reasoning, nawawala na yung human values natin tulad ng, katarungan, kalayaan at kasiyahan. Para sa mga critical theorist ang lipunan ay dapat na dominated ng reason kesa technocratic thinking kung saan mas pinahahalagahan ang human values kaysa efficiency. Sa madaling salita, nagiging irrational yung rationality kasi yung mga bagay na ginagawa natin, hindi na siya nagiging reasonable, ginagawa lang natin ang isang bagay kasi inatas siya sa atin. Nawawala narin yung paghahayag natin ng sarili dahil patuloy tayong nakukulong sa mga kamay ng kapitalista.

Kabaligtaran sa sinabi ni Marx na darating ang panahon na mabubura narin ang capitalism, ang mga critical theorist naman ay mayroong pessimism about the future, kung saan ayon sa kanila, lumipas man ang maraming panahon, mananatili at mananatili parin ang paghahari ng mga kapitalista, lalo pa’t ngayon nga ay patuloy nating niyayakap ang mga produktong kanilang ibinebenta at patuloy na pinasisikip ang kulungan kung saan nalilimitahan ang ating kakayahan at kaisipan.
Sa kabuuan, masasabi kong iba na nga ang epekto ng medya sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, nakakalungkot isipin na imbes na matulungan tayo ng mga makabagong teknolohiya upang madagdagan pa ang ating kaalaman, ang nangyayari, unti-unti tayong kinakain ng sistema ng capitalism at kung patuloy itong mangyayari masasabing hindi na talaga tayo makakawala sa kamay ng mga kapitalista at patuloy na mabubulok sa kulungang tayo din ang gumawa.

 

 

Pamumuno Ng May Disiplina

Nainiwala ako na lahat ng bagay ay kayang solusyunan ng hindi gumagamit ng dahas. Napagtibay ko ang paniniwalang ito dahil sa teorya ni Michel Foucault, isang sikat na sociologist, kaniyang inihayag ang paraan ng pag-gogobyerno sa isang lipunan. Mga paraan ng pagdidisiplina ng hindi ginagamitan ng kalupitan.

Sa panahon noon, ang paraang ginagamit para idisiplina ang mga tao ay torture na kung saan ay sinasaktan ang mga taong nagkasala sa harap ng publiko upang iparating sa lahat na kung sino man ang gumawa ng bagay na hindi tama ay paghihirap ang kahaharapin. Para kay Foucault mali ang ganitong sistema, dahil lalo lamang mauudyok ang mga tao na gumawa ng mali dahil ang paraan din na ginagawa ng mga opisyales ay mali, liban din dito, maaaring masaktan ng labis ang pisikal, emosyonal at mental ng taong inakusahan. Para sa kaniya ang altenatibong solusiyon dito ay ang pagkakaroon ng governmentality na kung saan ang mga tao ay nakokontrol sa pamamagitan ng rule-based control, na kahit papaano’y mas makatao kung ikukumpara sa paraan ng torture, dito ang paraan mo ng pagdidisiplina ay pagtuturo ng mga batas kahit pa paulit-ulit para tumatak sa isipan ng mga tao ang dapat at hindi dapat gawin. Hindi niya tinutukoy dito ang gobyerno na nagkokontrol sa lipunan, bagkus kung papanong ang mga pribadong sektor ang nagkokontrol sa kanilang mga tauhan. Sa kaniyang libro na Discipline and Punish, ipinahayag niya dito kung papaano nabago ang sistema ng pagdidisiplina sa tao, mula sa sistemang torture hanggang naging rule-based control, na ayon nga sa sinabi ko kanina na mas makatao siya kumpara sa nauna.

May tinatawag din si Foucault na instrument of observation and control, ito ang mga paraan, ayon sa kaniya, upang makontrol ang tao. Ang una ay ang hierarchical observation, o iyong kakayahan ng mga namumuno na makita ang ginagawa ng mga tauhan niya, dito papasok ang tinatawag niyang panopticon, na may taong nagmamasid sa isang grupo ng tao, halimbawa nito ay ang mga cctv, ang mga tao ay dinidisiplina ang sarili dahil sa isip nila, may nanonood sa bawat galaw nila, na sa likod ng mga kamerang iyon ay mayroong mga matang nakamatyag sa kanila, kahit na minsan pa ay ang mga taong naatasang magbantay ay wala sa kanilang mga posisyon. Sunod ay ang normalizing judgment, gagawa ang nasa itaas ng mga batas at kung sino man ang makitang lumabag dito ay paparusahan, ito yung mga bagay na normal na ginagawa,halimbawanito,sa isang paaralan, normal na ang pagpasok ng maaga, ngunit kapag ikaw ay nahuli sa itinakdang oras ay mayroon kang mga consequences na dapat na harapin. Ang huli naman ay ang examination, ito ang pinagsamang hierarchical observation at normalizing judgment. Dito naman, pinapanood mo ang galaw ng iyong tauhan at inaalam kung yun bang mga bagay na ginagawa niya ay taliwas sa diniktang patakaran.

Isa pang pinunto ni Foucault ay iyong sa pagtaas ng disciplinary power kasabay din nito ang pagtaas ng pagpaparusa sa tao. Hindi na nagiging malaya ang mga tao kasi lagi silang minamatyagan at inaabangan ang mga pagkakamaling magagawa at kapag nahuli, parurusahan sila. Para sa kaniya nagiging carceral archipelago yung lipunan, na nakaayon sa kung papaano dinidisiplina ang tao ang magiging itsura ng lipunan.

Nainiwala ako na lahat ng bagay ay kayang solusyunan ng hindi gumagamit ng dahas. Napagtibay ko ang paniniwalang ito dahil sa teorya ni Michel Foucault, isang sikat na sociologist, kaniyang inihayag ang paraan ng pag-gogobyerno sa isang lipunan. Mga paraan ng pagdidisiplina ng hindi ginagamitan ng kalupitan.

Sa panahon noon, ang paraang ginagamit para idisiplina ang mga tao ay torture na kung saan ay sinasaktan ang mga taong nagkasala sa harap ng publiko upang iparating sa lahat na kung sino man ang gumawa ng bagay na hindi tama ay paghihirap ang kahaharapin. Para kay Foucault mali ang ganitong sistema, dahil lalo lamang mauudyok ang mga tao na gumawa ng mali dahil ang paraan din na ginagawa ng mga opisyales ay mali, liban din dito, maaaring masaktan ng labis ang pisikal, emosyonal at mental ng taong inakusahan. Para sa kaniya ang altenatibong solusiyon dito ay ang pagkakaroon ng governmentality na kung saan ang mga tao ay nakokontrol sa pamamagitan ng rule-based control, na kahit papaano’y mas makatao kung ikukumpara sa paraan ng torture, dito ang paraan mo ng pagdidisiplina ay pagtuturo ng mga batas kahit pa paulit-ulit para tumatak sa isipan ng mga tao ang dapat at hindi dapat gawin. Hindi niya tinutukoy dito ang gobyerno na nagkokontrol sa lipunan, bagkus kung papanong ang mga pribadong sektor ang nagkokontrol sa kanilang mga tauhan. Sa kaniyang libro na Discipline and Punish, ipinahayag niya dito kung papaano nabago ang sistema ng pagdidisiplina sa tao, mula sa sistemang torture hanggang naging rule-based control, na ayon nga sa sinabi ko kanina na mas makatao siya kumpara sa nauna.

May tinatawag din si Foucault na instrument of observation and control, ito ang mga paraan, ayon sa kaniya, upang makontrol ang tao. Ang una ay ang hierarchical observation, o iyong kakayahan ng mga namumuno na makita ang ginagawa ng mga tauhan niya, dito papasok ang tinatawag niyang panopticon, na may taong nagmamasid sa isang grupo ng tao, halimbawa nito ay ang mga cctv, ang mga tao ay dinidisiplina ang sarili dahil sa isip nila, may nanonood sa bawat galaw nila, na sa likod ng mga kamerang iyon ay mayroong mga matang nakamatyag sa kanila, kahit na minsan pa ay ang mga taong naatasang magbantay ay wala sa kanilang mga posisyon. Sunod ay ang normalizing judgment, gagawa ang nasa itaas ng mga batas at kung sino man ang makitang lumabag dito ay paparusahan, ito yung mga bagay na normal na ginagawa,halimbawanito,sa isang paaralan, normal na ang pagpasok ng maaga, ngunit kapag ikaw ay nahuli sa itinakdang oras ay mayroon kang mga consequences na dapat na harapin. Ang huli naman ay ang examination, ito ang pinagsamang hierarchical observation at normalizing judgment. Dito naman, pinapanood mo ang galaw ng iyong tauhan at inaalam kung yun bang mga bagay na ginagawa niya ay taliwas sa diniktang patakaran.

Isa pang pinunto ni Foucault ay iyong sa pagtaas ng disciplinary power kasabay din nito ang pagtaas ng pagpaparusa sa tao. Hindi na nagiging malaya ang mga tao kasi lagi silang minamatyagan at inaabangan ang mga pagkakamaling magagawa at kapag nahuli, parurusahan sila. Para sa kaniya nagiging carceral archipelago yung lipunan, na nakaayon sa kung papaano dinidisiplina ang tao ang magiging itsura ng lipunan.

 

Ang Maling Pananaw Sa Bagay Na Kailangan

Kung iisipin, para sa atin, wala namang pinagkaiba ang business sa industry, pareho lamang ito na nagpoproduce ng mga produkto, parehong pinagkukuhanan ng pangangailangan, ngunit nabago ang aking pananaw ng malaman ko ang teorya ni Veblen. Si Thorstein Veblen ay isang economist at sociologist, naging tanyiag siya kaniyang witty critic ng capitalism. Nakilala din siya sa kaniyang ideya tungkol sa conspicuous consumption kasama ang conspicuous leisure. Ipinahayag niya ang kaniyang pagkabahala sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng business at industry.

Ayon kay Veblen, habang ang pag-unlad ng industriya ay ang paggawa ng maraming produkto, ang ginagawa naman ng business ay pagpigil ng mga produktong inilalabas sa merkado. sa kadahilanang, kapag mataas ang demand ng mga tao at mababa lamang ang bilang ng supply, tumataas ang halaga ng produkto, na pabor sa mga negosyante na ang nais lamang ay kumita ng malaki. Binigyang kahulugan niya rin ang business sa prosesong pang-ekonomiya, kung saan mas importante ang pagkita, pagkuha ng pera kaysa sa produksyion at interes ng mas nakararami.  Ayon din sa kaniya, noon ang mga business leaders ay mga entrepreneur, na kung saan, sila ang direktang nag-aambag sa produksiyon, hindi tulad ngayon puro pera lang ang iniisip. Pinipigil ng finance ang industriya, umiikot sa usaping pera ang lahat ng bagay para sa kanila. Tinitignan din ni Veblen ang business bilang nakakahawa at mapang-abuso. Pagdating sa industry ang pinakamahalaga sa kanila ay ang pag-intindi at paggamit ng mga produktong nagawa, lalo na sa mga manggagawang malaking bilang ng paggawa ng mga mekanismoIto ay kinokontrol ng business leaders na hindi naman alam ang kung papaano ba tumatakbo ang industriya. Kinokontrol nila ito para limitahan ang produktong inilalabas para mas lumaki ang pera na kikitain nila. Sa modernong sistema ng industry mas produktibo ito kaya naman lumalaki ang kita na natatanggap, ngunit ang kitang ito na tinawag ni Veblen na free income ay kinakamkam ng mga business leaders and investors at hindi ito natatanggap ng mga manggagawa na sila ang naghirap, tulad ng sa teorya ni Marx ng exploitation, hindi tama ang ganitong sistema, napakamakasarili ng mga kapitalista. Sa madaling salita ang industry ay nakatuon sa paggawa ng mga produkto at ang business naman ay puro pera.

Isa pang tinalakay ni Veblen ay ang conspicuous consumption na kung saan ay naaaksaya ang mga produktong binibili, maihahalintulad ito sa conspicuous leisure, ang kaibahan lang ay ito naman ang pagaaksaya ng oras. Sa conspicuous consumption bumibili ang tao ng isang bagay, kahit hindi naman talaga kailangan para masabing may kaya siya sa buhay. Dahil sa ganitong sistema na kagagawan parin ng mga kapitalista (sa paraang gumagawa sila ng mga bagay na nagdidikta sa estado ng isang tao sa buhay), ang mga tao ay patuloy na gumagawa ng paraan para makipagsabayan at para masabing kabilang sila sa higher status. Ang mga karaniwang biktima ng conspicuous consumption ay ang mga taong kabilang din sa conspicuous leisure. Paraan nila ito para ipakita sa lahat kung gaano ba sila kayaman at nabili nila ang isang mamahaling bagay na iyon.

Sa kabuuan, sa tulong ni Veblen, labis kong naunawaan na ang tao ay nagiging biktima ng conspicuous consumption, nawawala ang totoong gamit ng isang bagay at nakatuon na tayo sa pangalan o tatak nito. Nakakalungkot isipin na handang gumastos ng malaki ang isang tao para lang makiuso, na gumagastos tayo sa mga luho at hindi na natin malaman ang pinagkaiba ng kagustuhan lamang sa totoo nating pangangailangan. Isa pa ay, ang mga kapitalista ay talaga namang makasarili, puro pera at pagkita lang nito ang kanilang iniintindi, hindi nila iniisip ang kapakanan ng ibang tao, wala silang pakielam kung nilalamangan nila ang mga ito. Kung mawawala nga lang ang sistema na kung saan ang kapitalista ang naghahari tulad ng sinabi ni Marx, marahil, masasabi nating maunlad at pantay-pantay ang lahat sa lipunan.